Aarangkada na ang isasagawang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa huling linggo ng Nobyembre.
Layunin ng national vaccination day na makapagturok ng aabot sa limang milyong dose ng bakuna.
Sinabi ni vaccine czar secretary Carlito Galvez Jr., target ng bansa na mabakunahan ang 70 porsiyento ng target population o katumbas ng 54M na Pilipino ng isang dose bago matapos ang buwan.
Bukod dito, target din ng pamahalaan na gawing fully vaccinated na ang kaparehas na bilang bago matapos ang taong 2021.
Samantala, wala pa namang inilalabas na eksaktong petsa ang NTF hinggil sa usaping ito.