Pansamantalang ipinatigil ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pagkain at paghango ng mga shellfish at iba pang lamang-dagat sa ilang lugar sa Bohol, Leyte at Visayas maging sa Mindanao.
Ito’y makaraang magpositibo sa red tide toxins ang mga nahuhuling shellfish at iba pang lamang-dagat, tulad ng tahong at alamang, sa mga nasabing lugar.
Kabilang sa tinukoy ng BFAR ang bayan ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Villareal, Cambatutay at San Pedro Bays sa Western Samar;
Carigara bay sa Leyte; Matarinao bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur at Lianga Bay sa Surigao Del Sur.—mula sa panulat ni Drew Nacino