Patuloy ang pagbagal ng COVID-19 delta variant surge sa bansa, maliban sa ibang lugar, batay sa pagsusuri ng grupong OCTA research.
Ito’y makaraang sumadsad sa 454 COVID-19 cases ang naitala ng Department of Health sa Metro Manila nitong Sabado.
Gayunman, nakararanas ng outbreak ang ilang maliit na bayan gaya sa Pudtol, Apayao at Santa Ana, Cagayan kung saan bahagyang bumilis ang reproduction numbers.
Ang Zamboanga City naman ang may pinaka-mataas na daily average ng bagong COVID-19 cases sa labas ng Metro Manila kahit pa nasa downward trend na ang mga kaso sa naturang lungsod.
Tanging ang Negros Oriental, Isabela at Nueva Vizcaya naman ang nakapagtala ng mahigit 100 local cases.
Kahapon, nakapagtala ng karagdagang 2,605 additional COVID-19 cases sa Pilipinas kaya’t sumirit na sa mahigit 2 million ang kabuuang kaso sa bansa.—mula sa panulat ni Drew Nacino