Tatanggap ang Pilipinas ng mahigit 2,805,000 doses ng Russian-made Sputnik V vaccines mamayang gabi.
Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez na layon ng gobyerno na magbigay ng 15 milyong doses ng mga bakuna kontra COVID-19 ngayong buwan para sa mapayapang pagdiriwang ng kapaskuhan.
Nito lamang Miyerkoles, nasa 2.7 milyong doses rin ng Sputnik V ang biniyaheng bakuna patungong NAIA terminal 2 mula Moscow.
At bukas, Nobyembre 9, inaasahang darating naman ang mahigit 793,000 daang Aztrazeneca vaccine lulan ng Emirates via Dubai.—sa panulat ni Joana Luna