Karagdagang 2.8 million doses ng COVID-19 vaccine mula sa Gamaleya Research Institute ng Russia ang dumating na sa Pilipinas, kagabi.
Sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang flight na nagdala ng panibagong batch ng Sputnik V vaccines sa Villamor Air Base sa Pasay City.
Nagpasalamat naman sa Russian Government si Pangulong Duterte sa panibagong delivery ng bakuna.
Sa pagtaya ng National Task Force Against COVID-19, mahigit pitong milyon mula sa sampung milyong binili ng Pilipinas mula sa Russian Government ang dumating na sa bansa.
Samantala, aabot na sa 64.2 million na Filipino ang bakunado kabilang ang 29.4 million na fully vaccinated. —sa panulat ni Drew Nacino