Patay matapos magbigti ang isang lalaking estudyante dahil umano sa selos sa kaniyang nobya sa Cordon, Isabela.
Ayon sa ina ng biktima, nagpaalam umano ang kaniyang anak dahil mayroon itong mahalagang lakad.
Nang makabalik ang biktima ay agad itong nagkulong sa loob ng kaniyang kuwarto.
Dito na nagtaka ang ina ng biktima kaya’t pinuntahan niya ang kaniyang anak sa loob ng kuwarto at natagpuan nalamang itong wala nang buhay.
Base imbestigasyon ng mga otoridad, posibleng ang nobya ng biktima ang dahilan ng pagpapakamatay nito dahil sa natagpuang nakasulat na pangalan sa pader ng silid ng biktima.
Patuloy pang iniimbestigahan ang pangyayari habang naglunsad ng hotline number ang Isabela Government para sa mga may tanong tungkol sa mental health, kailangan ng counseling, may kinahaharap na suliranin, o nanganganib mag-suicide.
Maaaring tumawag sa National Center for Mental Health 24/7 crisis hotlines sa cellphone na: (0917-899-8727 o 0908-639-2672) o telephone number na: (1553). —sa panulat ni Angelica Doctolero