Nagdeklara na ng three days National Mourning o tatlong araw na pagluluksa si Sierra Leonean President Julius Maada Bio matapos masawi ang mahigit isandaang katao at ikinasugat ng siyam naput dalawang indibidwal matapos maganap ang pagsabog sa isang oil tanker sa Sierra Leone na sakop ng West Africa.
Dahil dito, kinansela ni Bio ang kaniyang mga pagpupulong sa ibang bansa at iba pang aktibidad upang makita ang mga nasawi at bigyang pagkilala ang mga sugatan sa pagsabog.
Iniutos narin ni Bio ang masusing imbestigasyon sa nangyaring aksidente. —sa panulat ni Angelica Doctolero