Ipinasasama ni Nueva Ecija representative Ria Vergara sa mga benepisyaryo ng “fuel subsidy” ng gobyerno ang mga tricycle driver.
Tinukoy ng kongresista ang isang bilyong pisong subsidiya na inilaan ng gobyerno para sa mga tsuper at operator ng mga pampublikong sasakyan.
Aniya, kung susuriin ay limitado ang sakop ng subsidiya at hindi kasama rito ang mga tricycle driver kung saan may ilang mga lugar na ang naturang sasakyan ang mas ginagamit sa transportasyon.
Giit pa ni Vergara na pagdating sa pagkakaloob ng ayuda ay dapat patas kung saan lahat ng sektor ng transportasyon ay mabebenipisyuhan.
Sa kasalukuyan, nasa limang milyon aniya ang mga tricycle driver sa buong bansa.—mula sa panulat ni Airiam Sancho