Bumaba ng 113 ang bilang ng mga lugar sa bansa na isinailalim sa granular lockdown na ngayon ay nasa 300 mula sa dating 413.
Batay sa datos ng PNP Command Center, binubuo ito ng 264 na mga barangay mula sa 42 na mga lungsod at bayan sa buong bansa
Dahil diyan, apektado ng granular lockdown ang may 1,365 na pamilya ko katumbas ng 3,679 na indibiduwal kung saan, pinakamaraming natiala sa MIMAROPA Region
Mahigpit namang tinututukan ng may 335 na tauhan ng PNP, 4 na tauhan ng Bureau of Fire Protection katuwang ang may 489 force multipliers ang mga apektado ng lockdown. —mula sa ulat ni Jaymark Dagala sa panulat ni Airiam Sancho