Nagsagawa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo ng kababaihan sa main office ng COMELEC sa Intramuros, Manila ngayong araw bilang protesta sa petisyon ng NTF-ELCAC na kanselahin ang registration ng Gabriela Partylist.
Tinawag na nuisance case ni Assistant Minority Leader Rep. Arlene Brosas ang naturang petisyon dahil sa napakaraming testigong nagsisilabasan ngunit wala naman aniya itong mga maipakitang ebidensya na magpapatunay sa paratang sa partido.
Giit ni Brosas, ginamit lang daw ng NTF-ELCAC ang mga pagdinig upang i-red tag ang mga lider na kababaihan.
Dagdag nito, magpepressenta ang Gabriela partylist ng mga testigo na siyang magpapatunay na pawang kasinungalingan ang mga paratang, habang nakahanda namang pakinggan ng poll body ang final batch ng witness sa panig ng naman ng NTF-ELCAC. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)