Muli na namang isinailalim sa balasahan ang ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) bunsod ng nakatakdang pagreretiro ni Police Regional Office 6 o Western Visayas Director, P/BGen. Rolando Miranda.
Batay sa dokumentong nakalap ng DWIZ Patrol, epektibo ang rigudon sa Miyerkules, Nobyembre 10 na inaprubahan ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar na magreretiro na rin sa Nobyembre a-13.
Malilipat si Miranda sa Office of the Chief PNP habang ang papalit sa kaniya sa Western Visayas si P/BGen. Flynn Dongbo mula sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).
Papalit naman kay Dongbo si P/BGen. Oliver Enmodias na mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na papalitan naman ni P/Col. Leumar Abugan na nagmula naman sa PNP Maritime Group.
Itinalaga naman si P/Col. Genaro Sapiera ng PNP Drug Enforcement Group na pumalit kay Abugan sa PNP Maritime Group habang papalit naman kay Sapiera sa PDEG si P/Col. Fernando Ortega na mula sa Directorate for Plans.
Nakatakdang magretiro si Miranda sa Nobyembre a-16 na kasabay ng kaniyang ika-56 na kaarawan at mandatory retirement age para sa mga nasa unipormadong hanay.