Aminado ang Department of Health (DOH) na nagkaroon ng technical issues sa kanilang data repository system kaya’t nakapagtala ng mababang bilang ng COVID-19 deaths, kahapon.
Sa datos ng DOH, 46 ang naitalang bagong nasawi kaya’t umakyat na sa 44,567 ang death toll.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa average na sampung pasyente ang namamatay kada araw noong nakaraang linggo.
Gayunman, ang ilan anya sa COVID-related deaths na iniulat kahapon ay noon pang nakaraang buwan.
Sa kasalukuyan ay sumadsad pa 30,544 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng 1,409 bagong kaso. —sa panulat ni Drew Nacino