Ipinanawagan ni Education Secretary Leonor Briones kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipaubaya na sa Departments of Health at Education ang pasya sa pagbubukas ng klase.
Inihayag ni Briones na sa ganitong paraan ay mas magiging madali ang pagpapalawak ng face-to-face classes at matagumpay ang implementasyon nito.
Magsusumite anya sila ng memorandum kay Pangulong Duterte upang hilingin na ipaubaya na sa dalawang nabanggit na kagawaran ang desisyon.
Ayon sa kalihim, kung pagbabatayan ang batas ay may kapangyarihan ang Pangulo na magdesisyon sa pagbubukas ng klase.
Nobyembre 15 magsisimula ang limited face-to-face classes sa pamamagitan ng 100 pampublikong paaralan sa mga low risk area at 20 pribadong eskwela naman simula Nobyembre 22. —sa panulat ni Drew Nacino