90% nang handa ang nasa 100 public schools sa pilot implementation ng face-to-face classes sa Nobyembre 15.
Ayon kay DepEd Director Malcolm Garma, sa katunayan ay naglalagay na ng plastic barriers at signages ang mga kasamang paaralan.
Sa 100 anyang pampublikong paaralan, ilan sa mga ito ay kailangang umatras, kabilang na ang ilang nasa Camarines Sur, Catanduanes, Zamboanga Del Sur at Davao Del Sur.
Ito’y makaraang tumanggi ang kanilang Local Government Units na makibahagi sa pilot implementation o hindi rin inaprubahan ng Department of Health.
Sa issue naman ng COVID-19 vaccine, nasa 90% din ng mga school staff ng mga nasabing paaralan ang bakunado na. —sa panulat ni Drew Nacino