Nanindigan ang PNP Aviation Security Group na walang modus na tanim bala sa NAIA at wala ring sindikatong nasa likod nito.
Ito ang iniahayg ni PNP AVESEGROUP Spokesman Supt. Jean Panisan, batay sa isinagawa nilang sariling imbestigasyon sa kanilang hanay.
Giit ng opisyal, malabong mataniman ng bala ang bagahe ng mga pasahero dahil tanging sila lamang ang may hawak nito hanggang makaabot sa first screening ng airport.
Ang mga pasahero din aniya ang naglalagay ng kanilang bagahe sa conveyor belt sa x-ray machine maliban na lamang kung may porter na nakaalalay dito.
Ngunit aminado si Panisan na hindi isinama sa imbestigasyon ang mga tauhan ng Office for Transport Service na siyang nagsisilbing screener sa mga bagahe ng mga pasahero sa paliparan dahil wala silang hurisdiksyon sa mga ito.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal