Apat na bagong silang na sanggol ang nasawi sa naganap na sunog sa isang Neonatal Ward sa Madhya Pradesh, India.
Nasagip naman ang 36 na sanggol at agad na nailipat sa ibang ward.
Kaugnay nito, nagpaabot na ng tulong si Chief Minister Shivraj Singh Chouhan sa pamilya ng mga biktima kung saan makakatanggap ang mga ito ng tig-5,412 dollars.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog. —sa panulat ni Hya Ludivico