Inihayag ni OCTA Research Team Fellow Prof. Dr. Guido David na posible umanong tumaas ang kaso ng COVID-19 sa ilalim ng Alert level 2.
Ayon kay David, kung magpapabaya ang publiko ay posibleng pumalo sa dalawandaan ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) kada araw pagsapit ng katapusan ng Nobyembre.
Dagdag pa kay David, lalong dumami ang bilang ng mga taong lumalabas matapos ibaba sa Alert level 2 ang Metro Manila dahilan para hindi na masunod ang minimum public health standards. —sa panulat ni Angelica Doctolero