Inihanda na ng gobyerno ang bakunang gagamitin bilang booster shot para sa A1, A2 at A3 priority group.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. mayroon nang inilaang lima hanggang anim na milyong doses ng booster vaccines kung saan 1.5 milyong doses ay para sa mga health workers.
Habang 4.5 milyong doses naman ay para sa immuno-compromised individuals.
Samantala, hinihintay na lang ang approval ng World Health Organization (WHO) Strategic Advisory Group of Experts on Immunization Guidelines, FDA Emergency Use Authorization (EUA) Amendments at DOH guidelines bago simulan ang booster shot at third dose vaccination. —sa panulat ni Airiam Sancho