Nanawagan si outgoing Philippine National Police Chief P/Gen. Guillermo Eleazar sa mahigit 220,000 pwersa ng Pambansang Pulisya na magkaisa para sa susunod nilang pinuno na si P/LtG. Dionardo Carlos.
Ayon kay Eleazar, taglay ni Carlos ang lahat ng katangian at kwalipikasyon para sa pinakamataas na posisyon sa PNP na nakita sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa ng PNP Chief, nababagay kay Carlos na maging susunod na pinuno ng PNP kung ang pag-uusapan ay ang Seniority, Merit at Personal Competence.
Sinabi pa ni Eleazar na bilang Chief of the Directorial Staff, naging mahalagang instrumento si Carlos sa pagsulong ng Intensified Cleanliness Policy sa PNP.
Tiniyak din ni Eleazar kay Carlos ang kahandaang tumulong sa ilalim ng pamumuno nito sa anumang kapasidad bilang dating pinuno ng Pambansang Pulisya.