Inihayag ni Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda na bilang kaibigan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, naniniwala siyang tatakbo ito sa pagkapa-pangulo sa darating na eleksyon.
Ayon kay Salceda, natitiyak niyang tatakbo ito bilang presidente batay sa kanilang usapan sa pamamagitan ng text messages.
Kaugnay nito, tumanggi naman ang Kongresista na ipakita ang naturang text message gayon din ay tikom ang bibig nitong isiwalat kung sino ang posibleng maging running mate ng naturang alkalde.