Sapat na para sa opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ipinatupad na Alert level status sa Metro Manila.
Ayon kay DILG Underscretary Jonathan Malaya, hindi pa maaaring ibaba sa Alert level 1 ang NCR sa kabila ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Una ng nagpahayag ang Department of Health (DOH) na may posiblidad na ibaba sa nasabing alert level ang Metro Manila kung bumuti pa ang sitwasyon ng pandemya.
Samamantala, sinabi ni Malaya na binigyan na niya ang mga LGU ng daily jab target kung hindi aniya ito maabot ay maaari siyang maglabas ng Show Cause Order at posibleng makasuhan ng Negligence or Deriliction of Duty ang mga LGU. —sa panulat ni Airiam Sancho