Handang ilatag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC kay Vice President Leni Robredo ang kanilang misyon.
Ito ang inihayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana kasunod ng pahayag ng Bise Presidente na dapat buwagin na umano ang Task Force dahil sa maaari umano itong gamitin para i-Tokhang ang mga itinuturong kalaban ng estado.
Ayon kay Lorenzana, dalawang taon nang tinutupad ng Task Force ang mandato nito na tulungan ang mga liblib na Barangay sa bansa para ilayo sa impluwensya ng mga Terroristang Komunista.
Mali aniya ang pagkakaintindi ng Pangalawang Pangulo sa layunin ng Task Force – ELCAC lalo’t mismong ang mga nasa malalayong Barangay ang makapagpapatunay na sila’y nakinabang sa mga programang hatid nito.
Kung tatapyasan aniya ang budget ng Task Force, giit ng Kalihim na tinanggalan na rin ng pagkakataon ang mga nasa kanayunan na umunlad dahil malaki ang pakinabang nila sa inilunsad na Barangay Development Program na siyang pangunahing proyekto ng Task Force.