Nabakunahan na ang 100% ng target na populasyon sa National Capital Region.
Sa press briefing, binati ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang Metro Manila matapos maitala ang higit 10 milyong indibidwal na nakatanggap na ng first dose.
Nasa higit 9.8 milyon namang indibidwal o 91. 10% ang fully vaccinated na.
Target ng gobyerno na maabot ang tinatawag na population protection para muling mabuksan ang mga negosyo at makabawi ang ekonomiya ng bansa. —sa panulat ni Joana Luna