Aprubado na sa Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang amyendahan ang anim na buwang pagsuspinde sa excise tax ng langis sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo nito.
Base sa House Bill 10438, na akda ni panel chairman, Albay Representative Joey Salceda, layunin nitong mabawasan ang excise taxes sa diesel, kerosene, at liquified petroleum gas na kadalasang ginagamit ng mga drayber.
Ayon kay Salceda sakaling maaprubahan ng House of Representatives ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa ay agad itong ipapadala sa Senado sa ikatlo o ikaapat na linggo ng Nobyembre.
Dagdag pa ni Salceda na gumagawa na rin ng panukala para sa isang espesyal na pondo na ilalaan sa pagbibigay ng tulong sa mga apektadong sektor sakaling muling tumaas ang presyo ng langis sa bansa.—sa panulat ni Angelica Doctolero