Sumadsad sa 30% ang COVID-19 approval rate sa Metro Manila.
Ito ay ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, mas mababa ito mula sa 80% approval rating na natanggap ng pamahalaan nuong Hulyo nitong taon.
Base sa the tugon masa survey ng OCTA Research , nasa 17% ng mga Pilipino ang sang-ayon sa tugon ng pamahalaan sa COVID-19 habang 33% naman ang medyo sang ayon.
Samantala, umabot lamang ng 23% ang hindi sumasang-ayon sa tugon at 27% naman ang hindi sigurado kung sang ayon o hindi.
Ang naturang survey ay ginawa mula Setyembre 11 hanggang 16 na may 1,200 respondents na nasa tamang gulang.