Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Manila Chief City Prosecutor Rey Bulay bilang Commissioner ng Commission on Elections (COMELEC).
Magsisilbi si Bulay bilang Commissioner sa COMELEC hanggang sa a-2 ng Pebrero taong 2027.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque, malaki ang tiwala ng Malakanyang na magagampanan ni Atty. Bulay na tapat, maayos, kapani-paniwala at mapayapa ang 2022 National ang Local Elections.
Aniya, hangad nila na gagawin ni Atty. Bulay ang lahat ng kanyang makakaya para sa kanyang bagong posisyon.