Nilampaso ng Los Angeles Lakers ang Miami Heat sa iskor na 120-117.
Ang paghaharap ng Lakers at Heat ay umabot ng overtime game kung saan namayani ang Lakers dito.
Ito’y sa kabila na hindi nakalaro ang kanilang star player na si Lebron James dahil sa problema sa abdominal muscle.
Sa kabilang banda, minalas naman ang Miami nang dumanas ng sprained ankle sa first half pa lamang ang kanilang main man na si Jimmy Butler.
Habang nagpakitang gilas ng husto si dating MVP Russell Westbrook na nagtala ng triple double performance gamit ang 25 points, 14 assists, at 12 rebounds para sa ika-pitong panalo ng Lakers.
Nag ambag naman si Anthony Davis ng 24 points at 13 rebounds.
Sa Miami pinangunahan naman ni Bam Adebayo kung saan nagtapos ito sa 27 points bago na-foul out.