Wala nang pasyenteng naka-admit sa St. Dymphna isolation facility sa Imus City.
Ayon kay Dr. Cherrie Lyn Tumilba-Boque, medical director ng naturang pasilidad, ito ang unang pagkakataon na wala nang pasyente mula nang mag-umpisa ang pandemya.
Nagsimula aniyang bumaba ang bilang ng mga pasyente noong nakaraang buwan at na-discharge na ang lahat ng mga pasyente nitong Martes.
Sa kabila nito, nananatiling operational ang pasilidad na may 200 mga kama.
Samantala, itinigil na ng Dasmariñas ang pag-renta sa anim na hotel na ginamit bilang isolation facility dahil kakaunti na lamang ang mga pasyente.
Isinara na rin ang ilang isolation facility sa bayan ng tanza dahil kontrolado na ang mga kaso ng COVID-19 sa lugar.
Ayon kay Dr. Bernadett Velasco, operations manager ng One Hospital Command Center, mas madali na ngayong humanap ng mga ospital at isolation facility.—mula sa panulat ni Hya Ludivico