Pinawalang sala sa dalawang kaso ng graft si dating caloocan city second district congresswoman Mitch Cajayon-Uy.
Sinabi ni Cajayon-Uy na unanimous at patas ang desisyon ng second division ng Sandigan Bayan na nag base lamang sa mga inilatag na ebidensya kaugnay sa pagkakasangkot niya sa umano’y maling paggamit ng 10 milyong pisong pondo mula sa PDAF nuong naka puwesto pa siyang kongresista sa Caloocan nuong 2009.
Halos maiyak ang dating kongresista dahil malinaw na vindicated aniya siya sa nasabing kaso na isang political persecution at matinding nakaapekto sa kaniyang pamilya ng halos anim na taon partikular sa kanyang dalawang anak na menor de edad.
Kamakailan lamang ay nagbitiw si Cajayon-Uy bilang Executive Director ng Council for the Welfare of Children ng DSWD at tumatakbong muli sa pagka kongresista sa second district ng Caloocan City. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)