Hindi pa naaaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga requirement patungkol sa pagsusuot ng face shields.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mayroon nang desisyon ngunit hindi pa nakapagpapasya ang presidente.
Magugunitang nauna nang inihayag ng mga Alkalde ng Metro Manila at ilang local executives ang pag-aalis ng faceshield requirement.
Samantala, binalaan rin ni Roque ang mga alkalde na sumunod sa patakaran ng IATF. Aniya isang civil disobedience ang pagsuway.—sa panulat ni Joana Luna