Maglalabas sa mga susunod na araw ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng guidelines sa bagong direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mandatory vaccination sa mga on-site worker.
Kahapon ay inanunsyo ng Malakanyang na lahat ng empleyado sa pampubliko at pribadong sektor na magbabalik-opisina ay kailangang mabakunahan simula December 1.
Saklaw ng bagong direktiba ang mga eligible worker sa mga lugar na may sapat na supply ng covid-19 vaccine.
Tiniyak ni DOLE Spokesman Rolly Francia na bago ilarga ang naturang polisiya ay kasado na ang guidelines ng kagawaran.
Nilinaw naman ni Francia na kinonsulta muna sila ng IATF bago aprubahan ang mandatory vaccination sa mga on-site worker. —sa panulat ni Drew Nacino