Hinimok ni Health Secretary Francisco Duque, III ang mga magulang ng dalawang taong gulang na lalaking nag-positibo sa COVID-19 na muli itong isailalim sa antigen test.
Ayon kay Duque, maaaring false-positive ang resulta ng antigen kaya’t dapat magsagawa ng retestsa bata.
Nag-viral kamakailan sa social media ang post ng isang doktor makaraang ma-diagnose nito ang paslit na may sintomas ng COVID-19, tatlong araw matapos bumisita sa isang mall.
Magugunitang pinayagan na sa ilalim ng alert level 2 sa Metro Manila ang mga batang magtungo sa mga mall at pasyalan. —sa panulat ni Drew Nacino