Binalaan ng France ang Russia laban sa posibleng pagsakop at pag-atake nito sa Ukraine.
Magugunitang inihayag ng US at European Allies nito ang pangambang pagsiklab ng mas malaking digmaan dahil sa kakaibang ikinikilos ng Russian Military sa Ukrainian Border.
Iginiit ng French Foreign at Defence Ministry na magkakaroon ng masamang konsekwensya kung magkakamali ng hakbang ang Russia.
Gayunman, itinanggi ng Russia ang akusasyon sa halip ay itinuro ang US na pasimuno ng agresibong mga hakbang sa Black Sea.
Batay sa mga nakalap na satellite image ng US Defense Department, dumami ang Russian Military Personnel at equipment sa Ukrainian Border, indikasyon na may masamang balak ang Russia. —sa panulat ni Drew Nacino