Nananatiling high risk sa COVID-19 ang lalawigan ng Negros Oriental sa kabila ng patuloy na pagbaba ng mga kaso sa bansa.
Batay sa monitoring ng OCTA research group mula November 6 hanggang 12, nasa high risk level din ang Healthcare Utilization Rate at Intensive Care Utilization rate sa lalawigan.
Ayon kay OCTA research fellow, Dr. Guido David nasa critical level naman ang positivity rate na 28%.
Samantala, nasa low risk pa rin anya ang Metro Manila habang nasa ‘very low risk’ ang Cavite, Bulacan, Davao Del Sur, Laguna, Pampanga at Cebu.—mula sa panulat ni Drew Nacino