Buhay pa rin ang print industry sa bansa.
Ito ang inihayag ni Business Mirror Vice President for Corporate Affairs RICKY alegre sa kanyang pagdalo sa Asia Digital Transformation Summit 2015 na ginanap sa Makati City.
Binigyang-diin ni Alegre na hindi pa patay ang print media lalo pa’t inadopt nito ang digital age o ang paggamit ng mga modernong teknolohiya sa pagpapalagap ng mga impormasyon sa tulong ng print o kaya’y online platforms.
Idinagdag pa ni Alegre na ang print media industry ay number one producer of content sa tulong ng mga kapita-pitagang reporters at writers na siyang nangangalap ng balita.
Si Alegre ay tumatayo ring Presidente ng United Print Media Group (UPMG) at Senior Vice President ng Aliw Broadcasting Corporation.
By: Meann Tanbio