Nag-mistulang piyesta ang paghahain ni Senator Bong Go ng kanyang Certificate of Candidacy sa pagka-Pangulo sa Commission on Elections, sa Intramuros, Maynila, kahapon.
Ito’y makaraang dumating si Go kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, bitbit ang entourage ng mga government official, mga supporter at mga campaign paraphernalia.
Unang ini-atras ng senador ang kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente habang binawi ni senator Ronald Dela Rosa ang kanyang COC sa pagka-Pangulo sa ilalim ng PDP-Laban.
Matapos nito ay nag-file si Go ng kandidatura sa pagka-Pangulo bilang substitute ni Pederalismo ng dugong dakilang samahan party bet Grepor Belgica.
Gayunman, dinumog ang Palacio Del Gobernador ng ilang high-ranking officials gaya nina presidential communications operations office secretary Martin Andanar, action stars Phillip Salvador at Victor Neri, maging ang iba pang supporter.
Sa ilalim ng Comelec protocol para sa paghahain ng kandidatura, pinapayagan ang mga aspirants na magdala lamang ng hanggang tatlong kasama.—mula sa panulat ni Drew Nacino