Nasa 10% hanggang 15% na lamang ang hesitant o nag-aalinlangan na magpabakuna kontra Covid-19.
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Leopoldo Vega kung saan mas mababa ito mula sa 35% na naitala nuong unang buwan ng vaccination program ng gobyerno sa bansa.
Isa aniya sa mga dahilan kaya ayaw magpabakuna ng ilang mamamayan ang pagiging ligtas at epektibo ng mga Covid-19 vaccine.
Tiniyak naman ni Vega na lahat ng bakunang ginagamit sa bansa laban sa Covid-19 ay epektibo at ligtas sa katawan.
Samantala, target naman ng pamahalaan na mabakunahan ang 65% hanggang 70% ng populasyon ng bansa bago matapos ang taong ito.