309 na iba pang Pilipino ang nasawi dahil sa COVID-19 kaya’t pumalo na sa 45,581 ang death toll sa buong bansa.
Maliban dito, ayon sa datos ng Department of Health, nakapagtala ito ng halos dalawang libong bagong kaso (1,926) sa nakalipas na 24 na oras habang higit 2.8 milyon pa rin ang total cases (2,816,980).
Nagkaroon naman ng 3,140 na bagong recoveries dahilan upang sumirit sa 28,102 ang active cases.
Sa kasalukuyan, mahigit 2.7 milyon na ang bilang ng mga gumaling sa impeksiyon sa buong kapuluan (2,743,297).
Nabatid na mula nang ilunsad ang national vaccination program, nasa 39.9 percent pa lamang ng 77.1 milyon na target population ang nabakunahan kontra COVID-19.