Posibleng isailalim sa mas maluwag na alert level 1 ang Metro Manila, simula Disyembre a–1 kung patuloy na bababa ang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Gayunman, inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dapat ding mapanatiling mababa ang covid cases sa NCR Sa mga susunod na Linggo.
Nais anya nilang makitang negatibo ang 2 week growth rate ng rehiyon bago ikunsidera ang pagluluwag ng restrictions.
Sa datos ng OCTA Research, nasa 427 ang average Covid-19 cases sa Metro Manila o mababa ng 5% kumpara sa mga nakalipas na Linggo. —sa panulat ni Drew Nacino