Aabot na sa 400,000 kabataang edad 12 hanggang 17 ang binakunahan na kontra Covid-19.
Ayon kay Food and Drug Administration Director General Eric Domingo, sa ngayon ay wala silang naitatalang malalang adverse effect ng bakuna.
Gayunman, 10 ang nagkaroon ng allergy, nag-hyper-ventilate at sumakit ang katawan pero agad namang gumaling makalipas ang isang araw.
Pawang Pfizer at Moderna vaccines lamang ang itinuturok sa nasabing age group.
Samantala, wala pang eksaktong petsa nang pagsisimula ng vaccination sa mga edad 5 hanggang 11. —sa panulat ni Drew Nacino