“good news para sa mga motorista” dahil asahan na ang ikalawang sunod na linggong tapyas-presyo sa produktong petrolyo.
Ayon sa ilang kumpaniya ng langis, P1.10 hanggang P1.20 sentimos ang posibleng maging bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina.
.10 hanggang .20 sentimos naman ang maaaring tapyas sa presyo ng kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.
Sa naging datos ng Department of Energy, ang total net increase ng gasolina ngayong taon ay pumalo na sa P20.95 ang kada litro, habang P17.50 naman sa kada litro ng diesel kung saan, ang paglakas umano ng piso kontra dolyar ang isa sa mga dahilan ng rollback. —sa panulat ni Angelica Doctolero