Nagpositibo sa red tide toxin ang walong lalawigan sa bansa matapos ang ginawang pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at ng local government units sa mga sample shellfish na kinuha sa ilang coastal areas.
Kabilang sa coastal areas na nagpositibo sa red tide ay ang Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Biliran Island, Daram Island, Maqueda, Villareal, Cambatutay, Irong-Irong at San Pedro Bays sa Western Samar; Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Baroy sa Lanao Del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Nagpositibo rin sa red tide toxin ang mga karagatang sakop ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay at Samal sa Bataan kaya’t ipinagbabawal na muna ng BFAR ang pagkain ng shellfish lalo na ang alamang na nakukuha sa nabanggit na mga lugar.
Maaari namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango basta siguraduhing sariwa, hinugasang maigi at nilutong mabuti. —sa panulat ni Angelica Doctolero