Asahan narin ngayong Linggo ang mataas na presyo ng lechon ngayong papalapit na ang kapaskuhan.
Ayon sa ilang mga negosyante, simula pa umano noong huling Linggo ng Oktubre ay bahagya nang tumaas ang presyo ng lechon sa ibat-ibang lugar.
Dagdag pa ng mga nag-nenegosyo, tinatantya pa nila kung magkano ang magiging dagdag presyo ng lechon dahil nakabase din sa magiging sasakyang pantawid-dagat ang presyo ng ilan sa mga baboy na mula pa umano sa Visayas at Mindanao.
Umaasa naman ang ilang negosyante na tataas at dadami ang bilang ng mga bibili ng lechon ngayon papalapit na ang pasko. —sa panulat ni Angelica Doctolero