Inihayag ng Bangko Sentral Ng Pilipinas na lumago o mas tumaas ang foreign currency reserves ng bansa nito lamang buwan ng Oktubre.
Sa datos ng BSP, umabot sa 107.95 billion dollars ang itinaas ng Gross International Reserves na mas mataas umano ng 1.35 billion dollars kumpara sa 106.6 billion dollars noong buwan ng Setyembre.
Samantala, tumaas din ng 1.35 billion dollars ang net international reserves o ang pagkakaiba sa pagitan ng GIR ng BSP at ng total short-term liabilities sa pagitan ng dalawang nabanggit na buwan.
Ang buwan-buwang pagtaas sa antas ng g-i-r ay sumasalamin sa pangunahin net foreign currency deposit ng national government upang maitaas din ang halaga ng presyo ng ginto sa bansa partikular na sa pandaigdigang pamilihan. —sa panulat ni Angelica Doctolero