Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na lumago o mas tumaas ang foreign currency reserves ng bansa nito lamang buwan ng Oktubre.
Sa datos ng BSP, umabot sa 107.95 billion dollars ang itinaas ng Gross International Reserves o GIR na mas mataas umano ng 1.35 billion dollars kumpara sa 106.6 billion dollars noong buwan ng Setyembre.
Samantala, tumaas din ng 1.35 billion dollars ang net international reserves o ang pagkakaiba sa pagitan ng GIR ng BSP at ng total short-term liabilities sa pagitan ng dalawang nabanggit na buwan.
Ang buwan-buwang pagtaas sa antas ng GIR ay sumasalamin sa pangunahing net foreign currency deposit ng national government upang maitaas din ang halaga ng presyo ng ginto sa bansa partikular na sa pandaigdigang pamilihan.—mula sa panulat ni Joana Luna