Inatasan ng Department of Education o DepEd ang mga field officials at school heads na mahigpit na ipatupad ang kautusan ng kagawaran na gawing peace zone ang mga paaralan.
Ito’y kasunod ng pagpasok ng ilang mga armadong pulis sa Longos Elementary School sa Brgy. Pangapisan sa bayan ng Alaminos sa Pangasinan kasabay ng pilot run ng limited face-to-face classes .
Ayon sa DepEd, isang opisyal ng lokal na pamahalaan ang bumisita sa lugar kasama ang mga unipormado at armadong pulis nang pumasok sa mga silid-aralan para mamahagi ng modules .
Giit ng kagawaran, malinaw sa kanilang polisiya na dapat wala ang presensya ng unipormadong hanay sa mga paaralan bilang zone of peace.—mula sa panulat ni Joana Luna