Ikinukunsidera na rin ng gobyerno ang paggamit sa mga silid-aralan bilang inoculation sites para sa national vaccination days simula November 30 hanggang December 1.
Ito’y upang mapataas pa ang vaccination rate sa bansa at maabot sa lalong madaling panahon ang tinatawag na herd immunity o maturukan ng Covid-19 vaccine ang 70% ng populasyon.
Ayon kay Philippine Medical Association President Benito Atienza, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Education upang payagan ang paggamit sa mga classroom bilang vaccination centers.
Nasa 5,000 anyang medical interns ang inaasahang makikibahagi rin sa nasabing aktibidad.
Sa ngayon ay mayroong 8,000 vaccination centers at maaaring tumaas ito sa 11,000 kung gagamitin ang mga silid-aralan. —sa panulat ni Drew Nacino