Sinimulan nang i-lockdon ng Austrian government ang nasa 2 milyong mamamayang hindi bakunado kontra Covid-19.
Bantay sarado na ng mga pulis ang mga lugar na may mataas na bilang ng mga unvaccinated.
Ayon kay Austrian Chancellor kailangang isagawa ang lockdown upang maiwasan ang lalong pagkalat ng Covid-19 ngayong malapit na ang winter.
Hindi maaaring lumabas ng bahay ang sinumang hindi bakunado maliban na lamang kung magta-trabaho at bibili ng pagkain.
Sa tansa ng mga Austrian health authorities, sa loob sa loob ng dalawang linggo ay sisirit na ang mga covid patient sa intensive care unit ng mga ospital.
Nasa 65% lamang ng kabuuang 8 million na populasyon ng austria ang bakunado. —sa panulat ni Drew Nacino