Itinuturing ng British Police na isang Terrorist Act ang naganap na pagsabog ng taxi sa labas ng Women’s Hospital sa Liverpool na ikinasawi ng isang indibidwal at ikinasugat ng iba pa.
Mababatid na apat na indibidwal ang naaresto ng mga otoridad kaugnay sa nangyaring pagsabog.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad improvised na bomba ang ginamit ng mga suspek.
Patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang motibo sa pagpapasabog. —sa panulat ni Hya Ludivico