Arestado ang isang lalaki matapos ang ikinasang buy-bust operation ng otoridad sa bayan ng Nabua, Camarines Sur.
Ayon kay PNP Regional Director Police Brigader General Jonnel C. Estom, nasamsam mula sa suspek na si Bienvenido Dinsing Jr. Kinikilalang high-value priority target at miyembro ng big-time drug syndicate, ang mahigit isang kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit pitong milyong piso (P7.8-M).
Batay sa operasyon, nakabili umano ng 150 gramo o katumbas ng higit apat na raang libong piso (P450k) ang nagpapanggap na buyer ng otoridad.
Nakaramdam naman ng pagdududa ang suspek sa transakyon at agad nitong binunot ang kaniyang baril na ipinaputok laban sa kapulisan.
Napilitang gumanti ang operatiba kung saan natamaan si Dinsing sa kaniyang katawan na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay. —sa panulat ni Airiam Sancho